"Puti man o itim, sino ka man di na mahalaga sa isang magandang kinabukasan."
Marahil isa ka sa imga taong nanghuhusga at nanlalait sa tuwing nakakakita ng taong maitim, maliit, kulot ang buhok, at di nakasuot ng magarang damit o mas kilala natin sa tawag na "aeta". Isang ugaling hindi maganda dahil ito ay hindi dapat sa ating
mga kaisipan...isang maling pag-uugali pagdating sa pagkikipag-kapwa tao. Sa aking paniniwala, lahat gayo at nilikha ng Diyos na pare pareho, kayat isa man sa atin ay walang karapatang magmataas o manglait ng sino man.
Ang ating mga kapatid na "aeta" ay katulad din nating marunong umiyak, tumawa at mangarap. Sila'y tao din na nakadarama ng sakit at kabiguan dito sa masalimuot na buhay ngunit sa kabila nito, banaag mo pa rin sa kanila ang matibay at di nabubuwag na pag-asa.
Sa aking pakikisalamuha sa ating mga kapatid na "aeta", marami silang magagandang katangian na aking natuklasan na nagdulot sa akin ng sari-saring damdamin at nagpabago ng aking pananaw sa buhay.
Akala ko noong una ang buhay nila ay walang kulay, puno ng kalungkutan, pangamba at kabiguan dahila sa buhay at katayuan na kanilang nakamulatn at at nakagisnan.
Ngunit maling-mali ako dahil sila ay masipag at marunong makontento. Ano man ang kalagayan nila sa buhay, masaya pa rin sila kahit nahihirapan, marunong makisabay sa agos ng buhay, marunong makibagay sa kahit sino paman at marunogn magtiyaga sa pag-abot ng inaasam na tagumpay, ang makatapos ng pag-aaral sa kolehiyo.
Matatag ang kanilang pundasyon na di ndaling maiguguho ng kahit ano o sino pa man. Yan ang knilang samahan bilang magkakapatid na natutulungan at nagdadamayan.
Bagama't may pang aaalipusta ng tao silang nararanasan, makikita pa rin ang maaliwalas na mukha sa kanilang kabuuan, na nagpapatunay ng kasiyahan at pagkakontento. Gipit man marahil at di nagpapadaig na maagaw ang kanilang atensyon sa mga bagay na negatibo.
Nakadama ako ng pagkapahiya sa aking sarili dahil wala pa sa kalingkingan ang hirap na aking naranasan kung ihahambing sa napagdaanan na nila at kasalukuyang pinagdadaanan. Ako bilang estudyante ay madaling sumusuko't nagrereklamo sa sking problemang nararanasan, yun pala kung mayroong dapat sumuko at magreklamo iyon ay ang ating mga kapatid na "aeta". Kahanga hanga sila dahil sila ay matatag at sila'y
patuloy na nakikipaglaban, nananatiling matibay sa mga pagsubok na kanilang nararanasan sa buhay. Sila ay mga taong punong puno ng pananampalataya at pag-asa.
sa buhay.
Kung minsa sila'y ating pinagtatawanan, pero tayo pala ang dapat nilang pagtawanan. Minsan ipinapalagay nating tayo'y nakahihigit sa kanila ngunit sila pala ay dapat kaiinggitan.
Nakapanlulumo ang katotohanang marami sa mga kabataan ngayon ang lubusang pinagpala dahil sa mga magagandang oportunidad na dumadating sa kanila na kanilang ipinagwawalang bahala. Marami sa mga kabataan ngayon ay di pinapahalagahan ang kahalagahan ng edukasyon. Mga estudyanteng irresponsibilidad sa kanilang pag-aaral, mga tamad at mga "pasaway" kung tawagin.
Pag isipan nating mabuti ang katayuan natin at ng mga kapatid na "aeta". Hindi nga ba't napakapalad ko at napakapalad mo? Hindi mo na kailangang mamasukan para makapag aral, nandyan ang mga magulang mo na tumutugon sa lahat ng iyong mga pangangailangan subalit kung minsan nagagawa mo pa silang lokohin. May maayos kang tahanan at nabibili mo ang gustuhin mo samantalang sila, kung minsan ay di nga nakakakain sa tanghalian dahil sila ay gipit sa pera. Sadyang kalunos lunos nga ang kanilang katayuan sa buhay at ang katayuan nilang ito ay dama ko na naging dahilan ng aking pagkamulat sa maraming bagay.
maryjoymendoza
BSEd III
Pagkamulat....
at
Tuesday, July 28, 2009
0 comments:
Post a Comment