TULONG MO...
GINHAWA’T PAG-ASA KO...
Sa Aming Mga Kaibigan:
Sa ating kasalukuyang mapaghamong panahon, batid natin ang kahirapang dinaranas ng iba nating mga kapatid na kapus-palad, mga kapatid na may karamdaman at kapansanan sa ating lipunan.
Sa kanilang katayuan sa buhay, minsan sila ay halos mawalan na ng pag-asa. Kung hindi lamang sa kanilang malalim na pananampalataya, marahil sila ay matagal ng sumuko sa mga hamon sa buhay.
Ang pagbabahagi ng ating mga biyaya, ang pagtugon sa iba nilang pangangailangan, pagbigay ng mga donasyong bagay at serbisyong galing sa ating puso, ay nagsisilbing taga pag-alab ng pag-asang kanilang kailangan upang sila’y makabangon at harapin ang buhay na may ngiti sa kanilang mga labi at may pag- asa sa kanilang mga puso.
Tayo ay may malalim na pananagutan sa ating kapwa, sa ating bayan at higit sa lahat sa ating Maykapal.
Kaakibat ng aming pasasalamat at isang panalangin na sana kayo ay patuloy na pagpalain sa dakila ninyong gawain. Hangad namin ang marami pang biyaya sa inyong buhay dahil... “tulong ninyo ay ginhawa at pag-asa ko!”
Isang taos pusong pasasalamat po sa inyong lahat.
Tulong Mo,,,
at
Tuesday, July 27, 2010
0 comments:
Post a Comment